ホーム > くらし・安全・環境 > 身近な生活 > 外国籍県民・多言語情報 > Impormasyon tungkol sa pamumuhay(タガログ語)
更新日:2024年8月16日
ここから本文です。
Nagbibigay kami ng impormasyong kailangan para sa pang-araw-araw na buhay sa maraming wika.
Ang portal na site na ito ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mga dayuhang residente sa Japan at sa kanilang mga tagasuporta. (pahina ng Ministry of Justice)
Portal Site ng Suporta para sa Pamumuhay ng Dayuhang residente
Naglalaman ito ng pangunahing impormasyong kailangan para sa ligtas at ligtas na pamumuhay at pagtatrabaho. (pahina ng Ministry of Justice)
Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho
Listahan ng Impormasyon sa Iba’t Ibang Wika
Upang lumikha ng kapaligiran kung saan makapamumuhay nang panatag ang loob at ligtas ang mga dayuhang residente ng prefecture at dayuhang dumalaw sa prefecture, at isaganap ang lipunan kung saan nagsasama-sama ang iba’t ibang kultura, itinatag ang “Tagengo Shien Center Kanagawa (Multilingual Support Center Kanagawa),” na nagsasagawa ng suporta ng impormasyon sa iba’t ibang wika.
Mula Hunyo ng 2019, pinalawak ang tungkulin ng multilingual call center, na isa sa mga tungkulin ng Tagengo Shien Center Kanagawa (Multilingual Support Center Kanagawa), sa pamamagitan ng pagdagdag ng panibagong 5 wika upang makatugon sa 11 wika, at iba pa.
Wika ng pagtugon (11 wika)
Ingles, Intsik, Tagalog, Vietnamese, Kastila, Portuguese, Nepali, Thai, Koreano, Indonesian, wikang Hapon na madaling maintindihan
Oras ng tanggapan
9:00 - 12:00 / 13:00 - 17:15 (liban sa Sabado, Linggo, mga holiday, katapusan at simula ng taon)
Numero ng telepono
045-316-2770
Libre ang pagtatanong, ngunit may bayad sa pagtawag. Pangangalagaan ang anumang lihim.
Para sa mga detalye tulad ng araw ng pagtugon sa bawat wika, tingnan lamang ang website ng Kanagawa International Foundation.
Sa Kanagawa prefecture, nagsasagawa ng pagtugon sa konsultasyon para sa mga dayuhang residente ng prefecture sa 3 lugar sa loob ng prefecture: Yokohama, Kawasaki at Atsugi.
Maaaring magkonsulta nang magaan ang loob kung may anumang problema sa trabaho, tirahan, edukasyon, pensyon at iba pa.
Pahina ng Consultation Counter para sa mga Dayuhang Residente ng Prefecture
Ipinagkakaloob ng Tokyo Regional Immigration Services Bureau ang konsultasyon kaugnay sa mga serbisyo ng imigrasyon sa Foreign Resident Support Center (FRESC) sa Shinjuku, Tokyo para sa mga dayuhang residente ng Japan, mga kalakal na nais tumanggap ng dayuhang empleyado, at iba pa.
May libreng konsultasyon sa telepono sa limang wika kung saan ipinagkakaloob ang libreng konsultasyon ukol sa estado ng paglagi sa bansa at nasyonalidad tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ng hapon.Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang website ng Kanagawa Administrative Lawyers Association.
*Ipinagkakaloob din ang kinakailangang impormasyon para sa mga kabataang may “Dependent” visa na nais magtrabaho sa Japan sa hinaharap.
Ang “Hello Kanagawa” ay pahayagan ng impormasyon sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente ng prefecture na inihahandog ng Kanagawa Prefectural Government.)
Inilalathala ito sa 6 wika (Ingles, Intsik, Koreano, Kastila, Portuguese, Vietnamese) 3 beses sa isang taon.
Nakasulat din sa wikang Hapon ang alinman dito.
Ipinamamahagi ito sa mga institusyon ng prefecture, munisipalidad sa loob ng prefecture, Yokohama District Immigration Office ng Tokyo Regional Immigration Bureau, mga lokal na samahan ng internasyonalisasyon sa loob ng prefecture, at iba pa.
Nagpapakilala ang Kanagawa Prefectural Government ng mga boluntaryong tagapagsalin kung kailanganin ng mga dayuhang residente ng prefecture ng pagsasalin sa araw-araw na pamumuhay.
Subalit para lamang ito sa pagsasalin sa serbisyong pampubliko (Hal: interview sa paaralan, konsultasyon sa tanggapan ng pamahalaan).
Nagrerekrut kami ng taong makikipagtulungan sa amin bilang boluntaryong tagapagsalin.
Mga wika para sa pagsasalin
Ingles, Intsik, Koreano, Kastila, Portuguese, Tagalog, Thai, Vietnamese at iba pa
Bayad
Sa patakaran, magbabayad ang aplikante ng 3,000 yen (bukod ang buwis) para sa 2 oras sa bawat 1 beses.
Para sa Aplikasyon at Katanungan
Tanggapan para sa Pangkalahatang Pagsasalin, Kanagawa Kenmin Center 13th Floor
Numero ng telepono: 045-317-8813
Nagpapatakbo ang Kanagawa Prefectural Government at mga munisipalidad sa loob ng prefecture, kasama ng NPO Multi-language Information Center Kanagawa (MIC Kanagawa), sa pakikipagtulungan ng Kanagawa Prefecture Medical Association, Kanagawa Hospital Association, Kanagawa Dental Association at Kanagawa Pharmaceutical Association, ng sistema ng pagpapadala ng medikal na boluntaryong tagapagsalin, pagkaayos ng coordinator kapag tumanggap ng kahilingan ng pagpapadala mula sa nakipagkasunduang
71 na medikal na institusyon sa loob ng prefecture.
Mga wika para sa pagsasalin
Intsik, Koreano, Tagalog, Portuguese, Kastila, Ingles, Thai, Vietnamese, Lao, Cambodian, Ruso, Pranses, Nepali (13 wika)
Bayad
Bilang gastos sa pagpapadala ng tagapagsalin, kailangan ng 3,000 yen (bukod ang buwis) para sa bawat 2 oras sa 1 kaso, ngunit dahil may ospital ding nagpapapasan sa pasyente ng bahagi ng gastos, at magkakaiba sa bawat ospital ang paraan ng pagpapatingin, direkta lamang na magtanong sa tanggapan ng medikal na konsultasyon ng bawat medikal na institusyon para sa mga detalye
Listahan ng Nakipagkasunduang Medikal na Institusyon(PDF:169KB)
Pagrerekrut ng medikal na boluntaryong tagapagsalin
Sa proyekto ng sistema ng pagpapadala ng medikal na tagapagsalin, nagrerekrut taon-taon ng boluntaryong tagapagsalin.
Direkta lamang na magtanong sa wikang Hapon sa MIC Kanagawa o sa International Division ng Kanagawa Prefectural Government para sa mga detalye.
Upang tumugon sa kahirapan ng mga dayuhan sa paghahanap ng tirahan dahil sa hadlang sa wika at iba pa, nagsisikap na malutasan ang problema sa tirahan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng real estate store na namamagitan para sa paupahang pabahay, konsultasyon tungkol sa problema kapag nagsimula nang manirahan, pagpapadala ng boluntaryong tagapagsalin at iba pa, sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang institusyon.
Kanagawa Housing Support Center for Foreign Residents
Sentral na institusyon ng sistema ng suporta para sa tirahang nagsasagawa para sa mga dayuhan ng pagpapakilala ng nakarehistrong real estate store (Gaikokujin Sumai Support Shop) na namamagitan para sa paupahang pabahay, konsultasyon tungkol sa problema kapag nagsimula nang manirahan, pagpapadala ng boluntaryong tagapagsalin at iba pa.
Yokohama YMCA 2nd Floor , 1-7 Tokiwa-cho, Naka-ku, Yokohama-shi
Numero ng telepono: 045-228-1752
Inirerehistro bilang “Gaikokujin Sumai Support Shop” ang real estate agency na aktibong namamagitan para sa paupahang pabahay sa mga dayuhan.
Nagsasagawa ng aplikasyon at pagrerehistro sa prefecture ang mga real estate agency (kasapi sa alinman sa mga pangkat na ito: The Kanagawa Real Estate Public Interest Incorporated Association, Punong Tanggapan sa Kanagawa Prefecture ng All Japan Real Estate Association, at Sangay sa Kanagawa Prefecture ng Japan Property Management Association) na sumang-ayon sa diwang ito.
Narito ang mga Gaikokujin Sumai Support Shop. (Impormasyon ito ng mga store ng suporta na pumayag sa pagtatala sa website.)
Mangyaring magparehistro sa “Gaikokujin Sumai Support Shop (Store ng Suporta para sa Tirahan ng mga Dayuhan)”.
Para sa karagdagang impormasyon sa " Store ng Suporta para sa Tirahan ng mga Dayuhan" at kung paano magparehistro, mangyaring sumangguni dito.
Narito ang form sa pagpaparehistro
Narito ang materyales sa iba’t ibang wika kaugnay sa patakaran at mabuting ugali ukol sa tirahan at pag-upa ng pabahay.
Impormasyon kaugnay sa Pamumuhay (Listahan ng Impormasyon sa Iba’t Ibang Wika)
Upang matiyak ang maayos na operasyon ng sistema ng suporta sa paninirahan, ang mga organisasyon ng industriya ng real estate, mga grupong etniko, mga panrehiyong internasyonal na asosasyon, mga YMCA, Kanagawa Housing Support Center for Foreign Residents, at mga lokal na pamahalaan (Prepektura ng Kanagawa, Siyudad ng Yokohama, at Siyudad ng Kawasaki) ay bumuo ng isang network na organisasyon upang makipagpalitan ng opinyon at suportahan ang sistemang ito.
Itinatag ito upang payagan ang mga dayuhang residente ng prepektura na talakayin ang mga patakarang may kaugnayan sa mga dayuhang residente ng prepektura at mga bagay na may kaugnayan sa pag-unlad ng rehiyon na gumagamit ng mga pananaw ng mga dayuhang residente, at gumawa ng mga rekomendasyon sa Gobernador.
Pahina ng Pagpupulong para sa Dayuhang residente ng Kanagawa
Ang Earth Festa Kanagawa ay idinaraos sa pakikipagtulungan ng mga pangkat etniko, NGO, boluntaryong sibilyan, at iba pa sa prefecture mula pa sa panahon ng pagpaplano, upang magtipon at magkita ang maraming residente ng prefecture na magkakaiba ang nasyonalidad at kultura, at lumikha ng pagkakataong maunawaan ang isa’t isa kasabay ng pagtatanghal ng kani-kanilang kultura at pag-iisip, tungo sa pagsasaganap ng lipunan kung saan nagsasama-sama ang iba’t ibang kultura.
Sa bawat programa, hinahangad na maglaan ng lugar kung saan makakalahok ang maraming dayuhan.
Website ng Earth Festa Kanagawa
Noong Marso 2020, pinagsama-sama ng prepektura ang direksyon ng patakaran para sa pagsulong ng panrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa prepektura, batay sa mga probisyon ng Batas sa Pagsusulong ng Edukasyon sa wikang Hapon na pinagtibay noong Hunyo 2019, na nagtatakda ng mga responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan , gayundin ang kasalukuyang katayuan at mga isyu ng mga patakaran sa edukasyon sa wikang Hapon sa mga munisipalidad sa prepektura, at isinasaalang-alang ang mga tungkulin ng gobyerno, mga boluntaryo sa wikang Hapon at mga kaugnay na organisasyon.
Ang portal site na "Kanagawa de Nihongo" ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon sa pag-aaral ng wikang Hapon.
Pahina ng Pangrehiyong Edukasyon para sa wikang Hapon sa Kanagawa
Pahina ng portal site ng "Kanagawa de Nihongo"
Pagpupunyagi kaugnay sa Edukasyon
このページの所管所属は文化スポーツ観光局 国際課です。