更新日:2021年9月30日

ここから本文です。

Sa mga pamilyang may mga bata, mamimigay ng antigen test kit (kogen kensa kitto) para sa impeksyon ng Covid-19

Sa mga pamilyang may mga bata, mamimigay ng antigen test kit (kogen kensa kitto) para sa impeksyon ng Covid-19

Setyembre 1, 2021

Sa lahat ng Magulang/Tagapag-alaga:

Punong Tanggapan ng Kawanihan sa Medikal at Kalusugan ng Prepektura ng Kanagawa
para sa mga Panlaban na Hakbang sa Medikal na Krisis

Sa mga pamilyang may mga bata, mamimigay ng antigen test kit (kogen kensa kitto) para sa impeksyon ng Covid-19

Ang Prepektura ng Kanagawa ay mamimigay ng antigen test kit sa pamilyang may mga batang pumapasok sa kindergarten o kaya ay nursery / elementarya/ espesyal na paaralan (tokubetsu shien gakko) at iba pa. Kahit sa bahay ay madaling makakapag-test.

Mangyaring pakigamit ang antigen test kit sa oras na ang bata o kaya ang kapamilya ay nilagnat o kaya ay inubo, sumakit ang lalamunan at iba pa, nilabasan ng mga sintomas ng sipon.

Huwag gamitin kung wala namang lagnat at iba pang mga sintomas.

At kapag ang bata ay nilagnat o nagkaroon ng iba pang sintomas, huwag na muna ninyong papasukin ng kindergarten/nursery o kaya ng paaralan.

Pakitingnan ang mga sumusunod na video ukol sa kung paano ang paggamit ng test kit.

Bago gumamit ng test kit, magparehistro sa LINE ng Prepektura ng Kanagawa.

Magrehistro mula sa QR CODE.
LINE

Sa mga walang LINE, dito magrehistro.

学校向け抗原検査キット利用登録フォーム

*Irehistro ang tao lamang na siyang gagamit ng test kit.
*Kung positibo o negatibo ang resulta sa test kit ay mangyaring pakipaalam lamang sa pamamagitan ng LINE.
positive or negative test results

*Sa pagparehistro, sumang-ayon na tatanggapin ninyo ang buong responsibilidad para sa inyong mga aksyon at mga kahihinatnan ng proyektong ito.

Para sa Pakikipag-ugnayan

Porma para sa pagkontak (Wikang Hapon) na QR CODE:

inquiry form (in Japanese) 

(Kung hindi makakontak sa pamamagitan ng QR CODE ay mangyaring tawagan na lamang ang TEL:045-316-2770.)